Bilang isa sa naatasang tumulong sa isang malaking aktibidad sa Cavite naging masyadong abala ang buwan ng Pebrero para sa akin.
As in super busy.
Unang araw pa lang ng Pebrero, pagod at puyat na ang sumalubong sa akin.
Inilaan ang buong magdamag mula ng kinagabihang huling araw ng buwan ng Enero hanggang sa ikalawang araw ng Pebrero.
Napakaraming tao ang dumalo, hindi lamang sa probinsya ng Cavite kundi maging sa ibang bansa na hindi pinalampas ang INC Life.
Ang makita ang maraming tao ang masaya ay nakagagaan na ng pakiramdam.
Paano nga ba nagsimula?
Ilang linggong patawag ng mga pagpupulong. Hindi miminsang biglaang patawag.
Pagdalaw sa mga miyembrong makakatulong ikapagtatagumpay ng gagampanang bahagi.
Mga salitang nakapagpapabuhay ng pagal na kaluluwa. Words that will inspire anyone.
Ang mga hindi malilimutang mga tagpo....
Ang madalas na diretsong byahe mula sa trabaho tungo sa DasmariƱas at sa ibang panig ng kabuuan ng GMA Area. Walang hapunan, walang pahinga...
Ang pagbusisi sa mga detalye ng gagampanang bahagi ng pagdiriwang.
Ang pagsakay sa truck makalibre lamang ng pamasahe papuntang Tagaytay.
Ang walang tulugang gabi bago ang event.
At ng dumating na ang oras, ang pagod at puyat na pilit na nilalabanan, ang mga sandaling hindi ka dapat magpakita ng pagsimangot para hindi maibsan ang excitement na nararamdaman ng mga tao sa paligid.
Nakakahawa ang kasabikan sa mga mukha nila. Mga batang namimilog ang mga mata sa tuwa, ang mga halakhak, kaya paano ka mapapagod?
Paano mo masasabing gusto mo ng magpahinga? Kung ang bawat ngiti sa mukha ng iba ay katumbas na rin ng kahayagang matagumpay ang aktibidad at marapat lamang na ipagdiwang.
Na hanggang ngayon parang lumulutang pa rin ang utak ko sa dami ng mga nangyari.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento