Martes, Pebrero 25, 2014

Popping February

Bilang isa sa naatasang tumulong sa isang malaking aktibidad sa Cavite naging masyadong abala ang buwan ng Pebrero para sa akin.

As in super busy.

Unang araw pa lang ng Pebrero, pagod at puyat na ang sumalubong sa akin.

Inilaan ang buong magdamag mula ng kinagabihang huling araw ng buwan ng Enero hanggang sa ikalawang araw ng Pebrero.

Napakaraming tao ang dumalo, hindi lamang sa probinsya ng Cavite kundi maging sa ibang bansa na hindi pinalampas ang INC Life.

Ang makita ang maraming tao ang masaya ay nakagagaan na ng pakiramdam.

Paano nga ba nagsimula?

Ilang linggong patawag ng mga pagpupulong. Hindi miminsang biglaang patawag.
Pagdalaw sa mga miyembrong makakatulong ikapagtatagumpay ng gagampanang bahagi.
Mga salitang nakapagpapabuhay ng pagal na kaluluwa. Words that will inspire anyone.

Ang mga hindi malilimutang mga tagpo....

Ang madalas na diretsong byahe mula sa trabaho tungo sa DasmariƱas at sa ibang panig ng kabuuan ng GMA Area. Walang hapunan, walang pahinga...
Ang pagbusisi sa mga detalye ng gagampanang bahagi ng pagdiriwang.
Ang pagsakay sa truck makalibre lamang ng pamasahe papuntang Tagaytay.
Ang walang tulugang gabi bago ang event.

At ng dumating na ang oras, ang pagod at puyat na pilit na nilalabanan, ang mga sandaling hindi ka dapat magpakita ng pagsimangot para hindi maibsan ang excitement na nararamdaman ng mga tao sa paligid.

Nakakahawa ang kasabikan sa mga mukha nila. Mga batang namimilog ang mga mata sa tuwa, ang mga halakhak, kaya paano ka mapapagod?

Paano mo masasabing gusto mo ng magpahinga? Kung ang bawat ngiti sa mukha ng iba ay katumbas na rin ng kahayagang matagumpay ang aktibidad at marapat lamang na ipagdiwang.

Na hanggang ngayon parang lumulutang pa rin ang utak ko sa dami ng mga nangyari.






Martes, Pebrero 18, 2014

Kurubkutob my Heart...

Dug-dug...Dug-dug....Dug-dug....!

Sabi ng puso ko. Naisip kong hindi kaya nagsisikip na ang mga ugat ko dahil sa lakas ng pagbomba ng puso.
Nagmamadaling higupin at itapon ang dugong nagdaraan sa tubo tungo sa kanya.
Naninigas ang tiyan ko sa kaba. Ang sakit...

Bawat dinig ko sa "Ate.. Ate...!" kinakabahan ako, ang naiisip ko "madidisgrasya kame" o "may mali akong nagawa".

Simulan natin sa umpisa....

Huwebes, ika-13 ng Pebrero nang umangkas ako sa kapatid ko sa motor niyang Mio na kulay Violet.
Tinanong ako ng kapatid ko na sumunod sa akin "Ate, ikaw ang magda-drive?"
Natawa ako at sumagot ng "Oo pag-uwi."
Hindi ko inisip na seryoso s'ya sa usapang 'yun kaya nang pahintuin n'ya ang motor sa labasan ng Mandarin Homes sa Gen. Mariano Alvarez Cavite ay nagtaka ako.
Ako na pala ang magda-drive.
Itinuro n'ya sa akin kung saan ang break, ang start, ang buttons ng ilaw, ang busina at kung anu-ano pa na hindi na rumihistro pa sa utak ko.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari namalayan ko na lang na ako na ang may hawak ng manibela at nagbalik sa ulirat ng nagsalita ang kapatid ko ng "Break-break din ate kapag may time". Napadaan na pala kami sa humps ng hindi ako pumipreno.

Natanong ko ang sarili ko, "Asan na nga pala ang preno?"
"Piiiiiiiiittt!!!" Isang mahabang busina ang isinigaw ni Sunday (pangalan ng Mio ni Ace).
"Ay mali pala, busina pala 'yun. Asan na nga ba ang preno?"
"Ayun! Bumagal na ang andar, 'etong dalawang parang tenga lang pala ang preno".

Excited akong mag-drive, kaya kahit na tipong delikado ang daan walang kaaba-abala akong nakalampas sa mga pamatay na daan.
Kung pamilyar kayo sa daan ng Sunshine Homes hanggang sa baba ng L.R.T., nakakapanindig balahibong isiping naka-survive ako duon.

Parang isang ekspertong nagmamaneho, pakiramdam ko lumilipad ako. Magaan sa pakiramdam. Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamaneho.

Matapos ang mahabang daan paakyat ng pihitin ko ang manibela pakaliwa, bakit parang pabagsak kame...

"O Ate!" Ang naalarmang tawag ng kapatid ko sa akin.
'Yun ang nagsabing mali na nga ang ginagawa ko.

"Anong nangyari 'te?" tanong n'ya.
"Hindi ko alam, nililiko ko lang," ang nagtatakang sagot ko.

Balik sa driving, pero...

"O Ate! Ate!"
Ganoon na naman ang nangyari, tumatakbo ang motor pero pabagsak kame sa kaliwa.
Itinukod ko ang kaliwang paa ko para hindi kami tuluyang bumagsak, pero isang malagim na katotohanang... nalimutan ko kung aling parte ng motor ang BREAK.....
Hindi ko naramdaman ang sakit sa paa ko dahil okupado ang isip ko sa kung paano ko mapapaliko ang motor para hindi kami mapunta sa kabilang lane.
Nang maramdaman kong nagpa-panic na s'ya tsaka ko naisip na delikado 'yung ginawa ko.
Naging maagap ang kamay n'ya sa paghawak sa manibela at pisilin ang break.

"'Te anong nangyari? Masakit ba? OK naman kanina, bakit nagkaganun?"

"Hindi ko alam, nililiko ko lang tapos ganun na," nagtatakang sagot ko sa kanya.

Tsaka s'ya may naisip na dahilan kung bakit nagkaganon, "bigla mo lang niliko 'yung manibela 'no?"
Hindi ko magawang sumagot dahil sa pagtataka kaya tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

"Dapat kapag liliko ka hindi mo biglang kakabigin ang manibela, isasabay mo din 'yung katawan mo parang nagsasayaw," sabay muwestra n'ya kung paano gawin.

Nakaramdam ako bigla ng takot.. hindi para sa'ken kundi para sa kanya dahil angkas ko s'ya at ang damdaming lalong nagtataka na bakit sa mga pababa at pataas ng kurbada nagawa ko, bakit sa patag na kurba nagkaganon.

Nawala na ako sa composure at hindi na ako confident na makakapag-drive ng maayos lalo na at malapit na kame kung saan maraming tao kaya s'ya na ang pinag-drive ko.

Nakakatawang nakakamangha 'yung naranasan ko. Hindi ako makapaniwalang ganuon kahaba ang na-drive ko at ganun kadelikado para sa first timer. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakapag-drive ng motor. Recently, lang din ako natutong umangkas sa motor dahil sa laki ng takot ko sa sasakyang ito.

Kaya nuong Linggo, February 16, hapon 'yun mga bandang alas cuatro niyaya ko ang bunso naming kapatid na turuan ako mag-drive dahil wala 'yung sumunod sa akin. Mula sa bahay hanggang sa malapit sa Splash Island ay s'ya ang nag-drive.
Pero sa pagtataka ko, hindi ko magawang ma-excite. Kaba ang bumabayo sa dibdib ko.

Lalo na sa tuwing maririnig ko ang tawag na "Ate! Ate!"
20kph lang ang takbo namin, at sa bagal ng takbo ay tila maa-out of balance ako.
Nagsimula din akong tunawin ng takot ng malapit na sa pakurba...
Naaalala ko kung asan ang break pero dahil sa tuwing babanggitin ang salitang "Ate" nangangatog ako.
Pakiramdam ko madidisgrasya kame.
Nang businahan kame ng isang puting Tamaraw FX ay hindi ako nasindak, pero ng mag-over take s'ya at dumaan sa gilid namin papunta sa harapan ay duon nangatog na naman ang tuhod ko. Hindi ko matantya ang layo, pakiramdam ko babangga kame, at narinig ko ang mga salitang, "Ate, dahan-dahan, break..."
Tsaka ko naalalang may break nga pala.

Nang magawa kong makaikot sa isang block tinigilan ko na, pakiramdam ko mamatay ako hindi sa disgrasya kundi sa kaba.
Nawala 'yung momentum ko at nadaig ng takot.
Kaya niyaya ko na lang s'ya sa pinakamalapit na fastfood sa Splash Island.
Idinaan ko na lang sa kain.

Naisip ko na dapat kong matutunan ang mga sumusunod kung gusto kong maggala gamit ang motor:
1. Gumamit ng break
2. Kumalma
3. Marahang pagpisil sa silinyador
4. Magmaneho ng mabagal

Napakarami kong dapat matutunan...

Sa ngayon... parang hinahanap-hanap ko 'yung pagmamaneho.
Hinahanap-hanap ko kahit na hindi ako sigurado kung hindi na ako dadagain.





Biyernes, Pebrero 7, 2014

Sa Puso Mo....

Nagulo ang dating takbo ng buhay mo ng makita mo ang pagkalaki-laking larawan n'ya at ng bagong girlfriend n'ya.

Akala mo ay ayos na, pero nalaman mo ngayon na hindi pala.

10 minutong huminto ang pagtibok mo at agad na rumihistro sa isip mong tumigil muna at damayan ka.

Alam mo ng mangyayari ito, pero bakit nagulat ka pa rin?

Hindi ba ito ang gusto mo? Ang tuluyan ng magkalayo ang landas ninyo?
Ang sabi mo hindi ka sasaya sa kanya lalo na at hindi mo maramdaman ang deep connection emotional sa pagitan ninyo.

Bakit ngayon may lungkot na nakasulat sa'yo?

Pagkainis ang naramdaman mo ng mabasa mong ang pangalan n'ya ay malapit sa pangalan mo.

Pilit mong hinahanapan ng mali sa nakikita mo bilang reverse bittering.

Bakit ganyan ka ngayon?
Pumayapa ka... sabi mo nga, "Darating din ang tamang lalake para sa'yo"
Ang sabi mo "A strong person to be your man"

Bakit kailangan mong panghinayangan ang bagay na pinakawalan mo?
Parang kang si Taylor Swift, you are going back to December where in kayo pa.

Why do you want to go back to those days when you have the bright future that awaits?
Come on my heart, we'll going to be fine.
You are a strong lady and you deserve to be love and be respect.
Cheer up and MOVE ON...