Lunes, Marso 10, 2014

I Found a New Love.. Cheesy!

Mahigit dalawang linggo na ang lumipas... napapangiti ako tuwing maiisip ko ang masayang araw na iyon na pakiramdam ko waging-wagi ang beauty ko.

Nakakatawa, para akong teenager na kinikilig.
Sa tuwing naririnig ko ang tunog na iyon... bumibilis ang tibok ng puso ko. Katulad na lamang kaninang umaga na papasok ako, hindi ko napigilang lumingon ng marinig ang pamilyar na tunog na alam kong makikita ko ang kamukha niya.
Hindi ko napipigilang ngumiti.
Sa tuwing hihiga na ako sa gabi, lagi ko ng iniisip na magkasama kami. Madalas na nasa likod n'ya ko.
Masarap sa pakiramdam na tila ba eksena sa pelikula.
Shocks! What a feeling!

Ang istorya...

February 21, naka-leave ako kaya hayahay ang buhay.
Pinilit ko ang kapatid ko na samahan ako, makipagtagpo...
Sa dating lugar kung saan kame pangalawang beses na nagkasama.
Matindi ang kabog ng dibdib ko at sa pagkakataong ito, alam kong excitement at hindi takot ang nararamdaman ko.

"O ate, ikaw na. Dahan-dahan lang ah 'wag mong ibibirit," paalala ni Bunso sa akin.
Ang naibulong ko na lang sa aking sarili ay, "This is it!"

Pisil ang break, sabay pindot ng start button at konting pihit ng silinyador, UMANDAR NA SI SUNDAY!
Sa bagal ng patakbo ko na 20kph nagawang kong makontrol ang manibela na diretso ang takbo. 20kph lang kasi kampante si Bunso kapag ako ang nagda-drive.
At bumilis ang tibok ng puso ko ng matanaw ko na ang kurbada.
Dahil hindi ako sanay sa preno naisip kong pihitin pabalik ang silinyador para bumagal ang takbo at marahang pagpihit ng manibela pakanan.
"Yeheeeeeeeeeyyyyyyyy....!!!" ang nagsusumigaw na isip ko sa kasiyahan.
Dahil sa hindi mapigilang kasiyahan na nakaliko na ako ay narinig ni Bunso ang impit na tili ko.
"Ang saya mo ah," sabi niya.

Hanggang sa naka-limang liko ako...at naramdamang biglaang bumagal ang takbo kahit na anong pihit ko sa silinyador.

WALA NG GAS....

Kaya pala bumagal ng bumagal hanggang sa huminto.

May isang kilometro ang nilakad namin papunta sa pinakamalapit na gasolinahan.

Ito ang pinakamasayang araw ko.... nagawa ko!

Hindi ko napigiling mapalundag sa tuwa kahit na sinasabihan ako ng kapatid ko na para akong baliw.
Achievement, 'yun ang best description ko sa nagawa ko base sa nararamdaman ko.

Kaya nilibre ko siya ng Coke Float ^_^

Hopefully makabili na ako ng sarili kong bike.

Here's my picture together with Sunday: