Martes, Mayo 20, 2014

The Most Challenging and Hardest Mountain to Climb

As of today, May 20, 2014 I still got millions of butterflies in my stomach. Really discomfort.
I find it hard to swallow food and everytime I close my eyes, I always see the trek, the people whom I'm with during the climb and the unforgettable scenes that my brain recorded.

Mt. Manabu or Manabo in Sto. Tomas Batangas in Philippines is considered as minor climb by mountaineers. It is recommended to beginners.
I even read that this is considered like a-walk-in-the-park mountain climbing.
And you could have a free coffee from Manong Perying's hut, Alamid Coffee ^_^

But instead of feeling excited and full of energy, my mind and soul is troubled, terriffied and other negative feelings before, during and after the climb.

For them it is an easy climb, but for me it wasn't. Climbing up mountain together with your former boyfriend and his current girlfriend, yes that's what happened.

If you're in my place, how will you feel? What will you do? Will it be easy for you to climb like they do? Fighting your feelings is harder than fighting the pull of Earth due to gravity.
When I saw his face, I wanted to slap his face thousand times. But what for?
That's why I decided to wear a wide smile, cover it with laughter and a talkative mouth.
I saw him and her staring at me couple of times. And his reaction when he saw me, rewarding and boost my confidence. I saw shock, fear and surprise in his eyes.
And couple of times he let his girlfriend climb first to wait for us, that's....funny? or touchy?
But... I cannot stand his stare.
I just come to realize that... I didn't move on. I'm almost over him.
And I'm asking myself now, is it a good or bad decision.

But.... I didn't saw them holding hands, they didn't kiss, nor they hug. They didn't walk side by side.
And I can't help but to think that...I'm still special for him.
Hearing whispers that I looked like her current girlfriend and we're both wearing eye glasses, and both of us have morena looks makes me ask my self does he intend to pick a new girl who looks like me?
Funny. But I don't want to entertain that feeling, I don't want to assume. It will just hurt me.

Let it be and move on....


Martes, Mayo 13, 2014

I Wanted to Date a Traveller

Here I go again, in front of the computer. Fingers are busy typing and clicking.
I am busy surfing... thru web surfing I am free to go places I love, have a peek on adventurous things happened to netizens.

And some idea came to my mind... why didn't I date a traveller.

If I have the opportunity to meet a traveller and given the chance to ask anything, a day will not be enough.

I wanted to know how does it feel to travel especially when you're alone, I wanted to know what inspire him/her to go and travel the world.
I wanted to hear the adventures and misadventures of someone who loves to travel.
What are the places he already visited, how's the people, the food, everything.
I want to hear stories from a traveller...because I also wanted to be one.

Linggo, Abril 13, 2014

I am not Perfect Therefore I am not Saint

I have this kind of feeling again... SADNESS.
It seems like it's a big blanket covering me, it's hard to breathe, it's hard to move.
It's hard to pretend that I'm doing fine.

Again, something reminded me that... I am not Super Woman.
I don't have to power to conquer all the enemy. I cannot fight what's in my nightmare, I am a coward.
I am only human, I can feel pain, I get hungy, I got scared and I get tired...

I don't have the perfect look.
I don't have the long straight manageable hair. I don't have fair skin, I have lots of scars.
I don't have the perfect body, I have flat chest, big tummy, not so big butt and doesn't have the most gorgeous legs.
My teeth is not perfect and white and shiny, they pop out going to different directions.
My nose isn't perfect either, and my eyes are going blind.

I can smile in front of the others but behind the smile is a grumpy old lady in me.
I can tell you I'm OK and yet I am bleeding inside.
I can say I don't mind but inside I am counting the times you have hurt me.
I can say I wanted to be alone but in reality I just wanted you to hear me.
I can say I already forgive you, but I still feel pain and sadness whenever I remember what have you done me wrong.

I don't think it's Mid Life Crisis, isn't it?

I really wanted to move and be happy.... be truly happy.

I am thinking that maybe going back from my past will help me figure out the reason why I feel sad and sometimes lost.

Before moving on, I have to look back and figure it out.

Hope you guys can help me figure things out.
'Til next post....


Love lots,
Poclay

Lunes, Marso 10, 2014

I Found a New Love.. Cheesy!

Mahigit dalawang linggo na ang lumipas... napapangiti ako tuwing maiisip ko ang masayang araw na iyon na pakiramdam ko waging-wagi ang beauty ko.

Nakakatawa, para akong teenager na kinikilig.
Sa tuwing naririnig ko ang tunog na iyon... bumibilis ang tibok ng puso ko. Katulad na lamang kaninang umaga na papasok ako, hindi ko napigilang lumingon ng marinig ang pamilyar na tunog na alam kong makikita ko ang kamukha niya.
Hindi ko napipigilang ngumiti.
Sa tuwing hihiga na ako sa gabi, lagi ko ng iniisip na magkasama kami. Madalas na nasa likod n'ya ko.
Masarap sa pakiramdam na tila ba eksena sa pelikula.
Shocks! What a feeling!

Ang istorya...

February 21, naka-leave ako kaya hayahay ang buhay.
Pinilit ko ang kapatid ko na samahan ako, makipagtagpo...
Sa dating lugar kung saan kame pangalawang beses na nagkasama.
Matindi ang kabog ng dibdib ko at sa pagkakataong ito, alam kong excitement at hindi takot ang nararamdaman ko.

"O ate, ikaw na. Dahan-dahan lang ah 'wag mong ibibirit," paalala ni Bunso sa akin.
Ang naibulong ko na lang sa aking sarili ay, "This is it!"

Pisil ang break, sabay pindot ng start button at konting pihit ng silinyador, UMANDAR NA SI SUNDAY!
Sa bagal ng patakbo ko na 20kph nagawang kong makontrol ang manibela na diretso ang takbo. 20kph lang kasi kampante si Bunso kapag ako ang nagda-drive.
At bumilis ang tibok ng puso ko ng matanaw ko na ang kurbada.
Dahil hindi ako sanay sa preno naisip kong pihitin pabalik ang silinyador para bumagal ang takbo at marahang pagpihit ng manibela pakanan.
"Yeheeeeeeeeeyyyyyyyy....!!!" ang nagsusumigaw na isip ko sa kasiyahan.
Dahil sa hindi mapigilang kasiyahan na nakaliko na ako ay narinig ni Bunso ang impit na tili ko.
"Ang saya mo ah," sabi niya.

Hanggang sa naka-limang liko ako...at naramdamang biglaang bumagal ang takbo kahit na anong pihit ko sa silinyador.

WALA NG GAS....

Kaya pala bumagal ng bumagal hanggang sa huminto.

May isang kilometro ang nilakad namin papunta sa pinakamalapit na gasolinahan.

Ito ang pinakamasayang araw ko.... nagawa ko!

Hindi ko napigiling mapalundag sa tuwa kahit na sinasabihan ako ng kapatid ko na para akong baliw.
Achievement, 'yun ang best description ko sa nagawa ko base sa nararamdaman ko.

Kaya nilibre ko siya ng Coke Float ^_^

Hopefully makabili na ako ng sarili kong bike.

Here's my picture together with Sunday:






Martes, Pebrero 25, 2014

Popping February

Bilang isa sa naatasang tumulong sa isang malaking aktibidad sa Cavite naging masyadong abala ang buwan ng Pebrero para sa akin.

As in super busy.

Unang araw pa lang ng Pebrero, pagod at puyat na ang sumalubong sa akin.

Inilaan ang buong magdamag mula ng kinagabihang huling araw ng buwan ng Enero hanggang sa ikalawang araw ng Pebrero.

Napakaraming tao ang dumalo, hindi lamang sa probinsya ng Cavite kundi maging sa ibang bansa na hindi pinalampas ang INC Life.

Ang makita ang maraming tao ang masaya ay nakagagaan na ng pakiramdam.

Paano nga ba nagsimula?

Ilang linggong patawag ng mga pagpupulong. Hindi miminsang biglaang patawag.
Pagdalaw sa mga miyembrong makakatulong ikapagtatagumpay ng gagampanang bahagi.
Mga salitang nakapagpapabuhay ng pagal na kaluluwa. Words that will inspire anyone.

Ang mga hindi malilimutang mga tagpo....

Ang madalas na diretsong byahe mula sa trabaho tungo sa DasmariƱas at sa ibang panig ng kabuuan ng GMA Area. Walang hapunan, walang pahinga...
Ang pagbusisi sa mga detalye ng gagampanang bahagi ng pagdiriwang.
Ang pagsakay sa truck makalibre lamang ng pamasahe papuntang Tagaytay.
Ang walang tulugang gabi bago ang event.

At ng dumating na ang oras, ang pagod at puyat na pilit na nilalabanan, ang mga sandaling hindi ka dapat magpakita ng pagsimangot para hindi maibsan ang excitement na nararamdaman ng mga tao sa paligid.

Nakakahawa ang kasabikan sa mga mukha nila. Mga batang namimilog ang mga mata sa tuwa, ang mga halakhak, kaya paano ka mapapagod?

Paano mo masasabing gusto mo ng magpahinga? Kung ang bawat ngiti sa mukha ng iba ay katumbas na rin ng kahayagang matagumpay ang aktibidad at marapat lamang na ipagdiwang.

Na hanggang ngayon parang lumulutang pa rin ang utak ko sa dami ng mga nangyari.






Martes, Pebrero 18, 2014

Kurubkutob my Heart...

Dug-dug...Dug-dug....Dug-dug....!

Sabi ng puso ko. Naisip kong hindi kaya nagsisikip na ang mga ugat ko dahil sa lakas ng pagbomba ng puso.
Nagmamadaling higupin at itapon ang dugong nagdaraan sa tubo tungo sa kanya.
Naninigas ang tiyan ko sa kaba. Ang sakit...

Bawat dinig ko sa "Ate.. Ate...!" kinakabahan ako, ang naiisip ko "madidisgrasya kame" o "may mali akong nagawa".

Simulan natin sa umpisa....

Huwebes, ika-13 ng Pebrero nang umangkas ako sa kapatid ko sa motor niyang Mio na kulay Violet.
Tinanong ako ng kapatid ko na sumunod sa akin "Ate, ikaw ang magda-drive?"
Natawa ako at sumagot ng "Oo pag-uwi."
Hindi ko inisip na seryoso s'ya sa usapang 'yun kaya nang pahintuin n'ya ang motor sa labasan ng Mandarin Homes sa Gen. Mariano Alvarez Cavite ay nagtaka ako.
Ako na pala ang magda-drive.
Itinuro n'ya sa akin kung saan ang break, ang start, ang buttons ng ilaw, ang busina at kung anu-ano pa na hindi na rumihistro pa sa utak ko.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari namalayan ko na lang na ako na ang may hawak ng manibela at nagbalik sa ulirat ng nagsalita ang kapatid ko ng "Break-break din ate kapag may time". Napadaan na pala kami sa humps ng hindi ako pumipreno.

Natanong ko ang sarili ko, "Asan na nga pala ang preno?"
"Piiiiiiiiittt!!!" Isang mahabang busina ang isinigaw ni Sunday (pangalan ng Mio ni Ace).
"Ay mali pala, busina pala 'yun. Asan na nga ba ang preno?"
"Ayun! Bumagal na ang andar, 'etong dalawang parang tenga lang pala ang preno".

Excited akong mag-drive, kaya kahit na tipong delikado ang daan walang kaaba-abala akong nakalampas sa mga pamatay na daan.
Kung pamilyar kayo sa daan ng Sunshine Homes hanggang sa baba ng L.R.T., nakakapanindig balahibong isiping naka-survive ako duon.

Parang isang ekspertong nagmamaneho, pakiramdam ko lumilipad ako. Magaan sa pakiramdam. Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamaneho.

Matapos ang mahabang daan paakyat ng pihitin ko ang manibela pakaliwa, bakit parang pabagsak kame...

"O Ate!" Ang naalarmang tawag ng kapatid ko sa akin.
'Yun ang nagsabing mali na nga ang ginagawa ko.

"Anong nangyari 'te?" tanong n'ya.
"Hindi ko alam, nililiko ko lang," ang nagtatakang sagot ko.

Balik sa driving, pero...

"O Ate! Ate!"
Ganoon na naman ang nangyari, tumatakbo ang motor pero pabagsak kame sa kaliwa.
Itinukod ko ang kaliwang paa ko para hindi kami tuluyang bumagsak, pero isang malagim na katotohanang... nalimutan ko kung aling parte ng motor ang BREAK.....
Hindi ko naramdaman ang sakit sa paa ko dahil okupado ang isip ko sa kung paano ko mapapaliko ang motor para hindi kami mapunta sa kabilang lane.
Nang maramdaman kong nagpa-panic na s'ya tsaka ko naisip na delikado 'yung ginawa ko.
Naging maagap ang kamay n'ya sa paghawak sa manibela at pisilin ang break.

"'Te anong nangyari? Masakit ba? OK naman kanina, bakit nagkaganun?"

"Hindi ko alam, nililiko ko lang tapos ganun na," nagtatakang sagot ko sa kanya.

Tsaka s'ya may naisip na dahilan kung bakit nagkaganon, "bigla mo lang niliko 'yung manibela 'no?"
Hindi ko magawang sumagot dahil sa pagtataka kaya tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

"Dapat kapag liliko ka hindi mo biglang kakabigin ang manibela, isasabay mo din 'yung katawan mo parang nagsasayaw," sabay muwestra n'ya kung paano gawin.

Nakaramdam ako bigla ng takot.. hindi para sa'ken kundi para sa kanya dahil angkas ko s'ya at ang damdaming lalong nagtataka na bakit sa mga pababa at pataas ng kurbada nagawa ko, bakit sa patag na kurba nagkaganon.

Nawala na ako sa composure at hindi na ako confident na makakapag-drive ng maayos lalo na at malapit na kame kung saan maraming tao kaya s'ya na ang pinag-drive ko.

Nakakatawang nakakamangha 'yung naranasan ko. Hindi ako makapaniwalang ganuon kahaba ang na-drive ko at ganun kadelikado para sa first timer. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakapag-drive ng motor. Recently, lang din ako natutong umangkas sa motor dahil sa laki ng takot ko sa sasakyang ito.

Kaya nuong Linggo, February 16, hapon 'yun mga bandang alas cuatro niyaya ko ang bunso naming kapatid na turuan ako mag-drive dahil wala 'yung sumunod sa akin. Mula sa bahay hanggang sa malapit sa Splash Island ay s'ya ang nag-drive.
Pero sa pagtataka ko, hindi ko magawang ma-excite. Kaba ang bumabayo sa dibdib ko.

Lalo na sa tuwing maririnig ko ang tawag na "Ate! Ate!"
20kph lang ang takbo namin, at sa bagal ng takbo ay tila maa-out of balance ako.
Nagsimula din akong tunawin ng takot ng malapit na sa pakurba...
Naaalala ko kung asan ang break pero dahil sa tuwing babanggitin ang salitang "Ate" nangangatog ako.
Pakiramdam ko madidisgrasya kame.
Nang businahan kame ng isang puting Tamaraw FX ay hindi ako nasindak, pero ng mag-over take s'ya at dumaan sa gilid namin papunta sa harapan ay duon nangatog na naman ang tuhod ko. Hindi ko matantya ang layo, pakiramdam ko babangga kame, at narinig ko ang mga salitang, "Ate, dahan-dahan, break..."
Tsaka ko naalalang may break nga pala.

Nang magawa kong makaikot sa isang block tinigilan ko na, pakiramdam ko mamatay ako hindi sa disgrasya kundi sa kaba.
Nawala 'yung momentum ko at nadaig ng takot.
Kaya niyaya ko na lang s'ya sa pinakamalapit na fastfood sa Splash Island.
Idinaan ko na lang sa kain.

Naisip ko na dapat kong matutunan ang mga sumusunod kung gusto kong maggala gamit ang motor:
1. Gumamit ng break
2. Kumalma
3. Marahang pagpisil sa silinyador
4. Magmaneho ng mabagal

Napakarami kong dapat matutunan...

Sa ngayon... parang hinahanap-hanap ko 'yung pagmamaneho.
Hinahanap-hanap ko kahit na hindi ako sigurado kung hindi na ako dadagain.





Biyernes, Pebrero 7, 2014

Sa Puso Mo....

Nagulo ang dating takbo ng buhay mo ng makita mo ang pagkalaki-laking larawan n'ya at ng bagong girlfriend n'ya.

Akala mo ay ayos na, pero nalaman mo ngayon na hindi pala.

10 minutong huminto ang pagtibok mo at agad na rumihistro sa isip mong tumigil muna at damayan ka.

Alam mo ng mangyayari ito, pero bakit nagulat ka pa rin?

Hindi ba ito ang gusto mo? Ang tuluyan ng magkalayo ang landas ninyo?
Ang sabi mo hindi ka sasaya sa kanya lalo na at hindi mo maramdaman ang deep connection emotional sa pagitan ninyo.

Bakit ngayon may lungkot na nakasulat sa'yo?

Pagkainis ang naramdaman mo ng mabasa mong ang pangalan n'ya ay malapit sa pangalan mo.

Pilit mong hinahanapan ng mali sa nakikita mo bilang reverse bittering.

Bakit ganyan ka ngayon?
Pumayapa ka... sabi mo nga, "Darating din ang tamang lalake para sa'yo"
Ang sabi mo "A strong person to be your man"

Bakit kailangan mong panghinayangan ang bagay na pinakawalan mo?
Parang kang si Taylor Swift, you are going back to December where in kayo pa.

Why do you want to go back to those days when you have the bright future that awaits?
Come on my heart, we'll going to be fine.
You are a strong lady and you deserve to be love and be respect.
Cheer up and MOVE ON...