Huwebes, Enero 2, 2014

Crazy New Year Celebration

It was actually a quick and unplanned trip to Baguio City.

I really fell in love with the city, as in badly.

Imagining myself watching the fireworks at the middle of the park chilling at the cold temperature of the city started after I have done a quick visit last October.

Ang tanging tangan ko lang ay ang aking maliit na bag:
Na ang laman ay wallet, pulbo (face powder), lip gloss, cellphone at charger. Dahil hindi ko makita ang aking makapal na sweater ay ang manipis na lang ang dinala ko. Matapos ihanda ang mga ito, tangan ang Php2,000 ay nagbiyahe na ako. Tama Php2,000 lang ang laman ng wallet ko dahil...hindi talaga planado ito at syempre nakapag-remit na ako ng pera sa nanay ko. Ang byaheng ito ay tinawag kong "Bahala na Trip".

Ang nabili kong ticket ay pang-11:00am kaya minabuti kong magtanghalian na ng maaga para kahit matulog ako buong byahe ay ayos lang.
After eating I returned at the terminal.

Ang De Luxe bus ng Victory Liner na nasa harap ko ng oras na iyon ay tila ba katakamtakam sa paningin ko.
Bumaba ang kundoktor at nagtanong sa akin, "Miss pa-Baguio ka?"
"Opo", sagot kong walang kaabog-abog.
"Sakay ka na." pagkasabi n'ya ay biglang nanlaki ang aking mga mata.
"Eh pang-11:00am pa po ang schedule ko", sagot ko sabay tingin sa relo na 10:15am pa lang.
"Ayos lang, may isang bakante eh."
"Salamat po", sabay sampa sa bus na may halong kaba bunga ng excitement.

Convenient, ito ang salitang maglalarawan sa bus na ito.
Kung ikaw ay katulad kong tila ba Rabbit sa Alice in the Wonderland na laging nagmamadali, magugustuhan mong sumakay dito dahil sa hindi na ito humihinto pa sa mga bayan-bayan o no stop overs. Dire-diretso ang byahe.
May restroom sa loob kaya hindi na kailangan pahintuin pa ang bus para mag-jingle, dalawang TV na ang isa ay nasa harap at ang isa ay nasa ibabaw ng rest room,magandang upuan na parang nasa eroplano, pwedeng mag-charge dahil sa may socket na pwedeng pagsaksakan ng charger, at may libreng snack pa:
Nakarating kame sa Baguio City bago mag-4:00pm. Ang bilis 'di ba?
Naisip kong bumili na ng ticket pauwi para 'di maubusan kaya agad akong tinungo ang second floor ng gusali.Kakaiyak malaman na for January 3 reservation na lang ang available.

Paano ako makaka-survive? Hmm... pwede naman mag-chance passenger sabi ng nanay ko kaya nabuhayan ako ng loob.

Agad kong nilakad mula sa terminal ang kapilya upang manalangin patungkol sa patapos na taon. Lakad kasi nagtitipid ^_^

Matapos ang panalangin, walang kong ibang ginawa kundi ang maglakad-lakad. Hanggang sa dumating na ang sandali.
Mga higanteng fireworks ang pinakawalan ng mga hotel duon. Masasabi kong tahimik nilang pinagsi-celebrate ang New Year. 'Di tulad ng maingay na celebration sa Manila ganon na din sa amin sa Cavite. Wala ding concert bago mag-countdown. At sabi nga nila bawal magpaputok sa Baguio.

Matapos ang isang oras na fireworks display na nanggagaling sa kung saan-saang panig ng siyudad ay nag-uwian na ang mga tao. Kung saan ko narinig ay putok ay duon ako humaharap habang naka-Indian sit sa bench ng park.

Ang hiningan ko ng tulong sa malamig na gabing iyon ay ang nagtitinda ng taho at kape. Ngunit sa lamig ng temperatura ay hindi ganuon kalaki ang naitulong nito sa akin.

What's worst? All of the restrooms and restaurants are already closed when I heard the call of nature.
My urinary bladder is going to explode when a woman at the convenient store asked me to go with her to pee at the park. This one... I cannot do even if I felt it'll going to explode anytime.
And that's the time that I decided to go back to Victory Liner terminal even if I know I will loose the adrenaline rush to roam around the city when I reach the terminal.
At 'yun nga ang nangyari. Pilit akong kinumbinsi ng aking konsensya (?) na kailangan sa unang trip ay makasakay ako dahil mahihirapan ako kapag putok na ang araw ay saka pa lamang ako magsusumiksik na makasakay sa bus.
Tila nga ba inaadya ng pagkakataon na makasakay ako sa first trip dahil marami pang available seats.
Kahit na hindi payag ang kalooban ko pero ang isip ko ay nagsasabing "Sabi ng Ama umuwi ka na, nagawa mo na ang gusto mo 'di ba? Tama na ang gala, miss ka na sa inyo..."

Parang batang nagpipilit ng kung anong gusto dahil alam n'ya masaya, 'yun ata ako.
Pero dahil sa karanasang ito, tila ba parang nabuhay ang dugo ko.
Pakiramdam ko nasa Survivor ako na may pagka-Amazing Race.
At sobrang na-enjoy ko ang mga pinaggagawa ko, kahit nakakapagod.

May sukli pa ang Php2,000 ko.

Computation:
Php13.00 - Homebase to San Pedro
Php75.00 - San Pedro to Cubao
Php125.00 - Lunch
Php157.00 - Dinner
Php20.00 - Strawberry Taho
Php30.00 - coffee (Php15/per cup)
Php50.00 - total amount for cellphone charging
Php30.00 - wet wipes and tissue paper
Php445.00 - from Baguio City to Cubao
Php58.00 - Cubao to  Alabang
Php29.00 - Alabang to homebase

Total: Php1,747

OK, I didn't won from the challenge that I gave myself and that is to consume only Php1,500.00 but atleast my Php2,000.00 money has change ^_^

That was a crazy night but I enjoyed it.

What's your crazy story? Can you share it with me?







Miyerkules, Enero 1, 2014

2014 Let's Move On

Another New Year's Eve that the whole world have celebrated.

We said goodbye to 2013 and we welcomed 2014.

I can hear "What's your new year's resolution?" and "What is your goal for 2014?"

People get themselves busy making plans and creating new goals for 2014. Most of us are thinking what should and should not do for the coming year.

As for me, I would like to count all the goods things that happened in the 2013 and keep all the not good things as a lesson and move on.

This is the main reason why I created this blog, to document how I move on...

I hope you could join me in my journey.